Bagong Umaga
Kalayaan sa mundong makasalanan
Hangad ng aking puso’t isipan
Kapayapaan na aking pinaglaban
Na wari’y walang katapusan.
Buhay na noo’y tau-tauhan
Sa mga walang mapakundangan
Mula ng aking kamusmusan
Hangang ako’y pumaram.
Paalam sa buhay na aking nakagisnan
Sa lupang aking sinilangan
Sapagkat tatahakin
Ang landas na inaasam.
Nais kong yakapin ang bagong umaga
Ng boung tapang at may sigla
Sa pusong noong kinitilan ng pag-asa
Hangad nito’y buhay na maligaya.
Hangad ng aking puso’t isipan
Kapayapaan na aking pinaglaban
Na wari’y walang katapusan.
Buhay na noo’y tau-tauhan
Sa mga walang mapakundangan
Mula ng aking kamusmusan
Hangang ako’y pumaram.
Paalam sa buhay na aking nakagisnan
Sa lupang aking sinilangan
Sapagkat tatahakin
Ang landas na inaasam.
Nais kong yakapin ang bagong umaga
Ng boung tapang at may sigla
Sa pusong noong kinitilan ng pag-asa
Hangad nito’y buhay na maligaya.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home